WEEKEND TICKETS GOING FAST!

PRICES GO UP AT THE GATE

PURCHASE TICKET
First  Prev  1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  Next  Last
│RANDOM│DeJaVu sa Pag-ibig
Citizen
26729 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / F / Philippines
Offline
Posted 4/26/08 , edited 8/25/09





*** ALIN SA MGA TULANG ITO ANG IYONG NAGUSTUHAN AT NAIBIGAN? BAKIT? [Salamat sa mga komento] ***




DeJaVu sa Pag-ibig

Tunay ngang katumbas ng ngiti ay luha,
Ang kaligayahan naman ang sa kalungkutan,
Mga damdaming sa aki'y bumabalot,
Na hindi mawari kung kailan ibabaon sa limot.



Nakapagtatakang kusang umuulit ang tadhana,
Iyon bang magkaibigan kayo sa simula,
Na biglang may namuong kakaibang saya sa tuwina,
Na humantong naman sa pagpaparaya sa kanya.



Ilang beses na ba akong ngumiti,
Na ang kapalit ay mga paghikbi?
Mga panahong pinilit kong huwag umasa
Dahil alam kong ito'y mapupunta lamang sa wala.



Tila isang awiting sinimulan na nakakaaliw
Na biglang nabahiran ng madamdaming saliw,
Kung ano ang ligayang natamo sa una,
Ay siya ring lungkot ang sa huli'y nadarama



Tunay ngang si Tadhana'y mapaglaro,
Bawat puso'y pilit niyang binibiro,
Ibig niya lamang sigurong tayo'y matuto
Sa bawat pagkakamaling gawa lamang ng puso
.


Hindi ko alam kung paano ito wawakasan,
Ang tulang aking sinimulan,
Pagkat hindi ko alam kung saan matatagpuan
Ang wakas na dapat kong patunguhan,



Ibig kong kayo na lamang ang tumapos
Sa madamdaming likhang ito,
Bawat kataga, isapuso niyo,
Nang hindi kayo malinlang ng mundong ito.






STRIKE 2: BIGO!


Isang Ngiting Langit



Kamusta, Larawan?


Ma, Dakila Ka!




Citizen
11971 cr points
Send Message: Send PM GB Post
23 / F / rooftop
Offline
Posted 4/26/08
waw nose bleed O_o hihihi galeng ^_^
1101 cr points
Send Message: Send PM GB Post
Offline
Posted 4/26/08
KIng INa!!!!>....InlaB si claude?....>!!!!hahahahha
Citizen
26729 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / F / Philippines
Offline
Posted 4/26/08
salamat rio...!!
Posted 4/26/08
uugh ang sakit ng ilong ko..
1101 cr points
Send Message: Send PM GB Post
Offline
Posted 4/26/08
auZ dudez...............San Mu naKuha?......

hahaha!!!>.......

Pwede ka nang Manligaw!!!!!
Citizen
2688 cr points
Send Message: Send PM GB Post
30 / M / On the Web
Offline
Posted 4/26/08
tagalog nga pero sobrang lalim. XD nosebleed din ako sensya na po kasi di ako mahilig sa poem pero ang galing mo po promise ^_^ konti lng alam ko marunong gumawa nang poem and your one of them
1101 cr points
Send Message: Send PM GB Post
Offline
Posted 4/26/08
duDezzz... english sa susunod.....

gumagawa din aku ng Peom english Nga lang.......

hahahahah!!!!!!..........Di akU makata eh!!!!
Citizen
26729 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / F / Philippines
Offline
Posted 4/26/08

jeymzter wrote:

tagalog nga pero sobrang lalim. XD nosebleed din ako sensya na po kasi di ako mahilig sa poem pero ang galing mo po promise ^_^ konti lng alam ko marunong gumawa nang poem and your one of them :D


salamat j...!!
Citizen
26729 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / F / Philippines
Offline
Posted 4/26/08

mekashikuta002 wrote:

auZ dudez...............San Mu naKuha?......

hahaha!!!>.......

Pwede ka nang Manligaw!!!!!


Manligaw?? hahaha... san nakuha??
Citizen
26729 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / F / Philippines
Offline
Posted 4/26/08
Meka, d ako inlab... kea nga heartbroken poem nga db??
Citizen
26729 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / F / Philippines
Offline
Posted 4/26/08

MiNiStOp wrote:


claude0924 wrote:

Tunay ngang katumbas ng ngiti ay luha,

Ang kaligayahan naman ang sa kalungkutan,

Mga damdaming sa aki'y bumabalot,

Na hindi mawari kung kailan ibabaon sa limot.



Nakapagtatakang kusang umuulit ang tadhana,

Iyon bang magkaibigan kayo sa simula,

Na biglang may namuong kakaibang saya sa tuwina,

Na humantong naman sa pagpaparaya sa kanya.




Ilang beses na ba akong ngumiti,

Na ang kapalit ay mga paghikbi?

Mga panahong pinilit kong huwag umasa

Dahil alam kong ito'y mapupunta lamang sa wala.




Tila isang awiting sinimulan na nakakaaliw

Na biglang nabahiran ng madamdaming saliw,

Kung ano ang ligayang natamo sa una,

Ay siya ring lungkot ang sa huli'y nadarama




Tunay ngang si Tadhana'y mapaglaro,

bwat puso'y pilit niyang binibiro,

Ibig niya lamang sigurong tayo'y matuto

Sa bawat pagkakamaling gawa lamang ng puso
.



Hindi ko alam kung paano ito wawakasan,

Ang tulang aking sinimulan,

Pagkat hindi ko alam kung saan matatagpuan

Ang wakas na dapat kong patunguhan,




Ibig kong kayo na lamang ang tumapos

Sa madamdaming likhang ito,

Bawat kataga, isapuso niyo,

Nang hindi kayo malinlang ng mundong ito.



Orihinal na Likha ni:

Claudine Divine Ulita, 12-22-06







aba aba aba di ko ma isip na may pag ka makata ka pala binibini........ang iyong likha'y napakaganda at nahugot sa isang tagong damdamin.....ah basat maganda..haysss wala ako sa mood magin makata ngaun haysss rahhah


kaya mo yan lil bro... salamat sa comment..! may susunod pang mga tula.. mejo mabababaw na nga lang...!
Citizen
77198 cr points
Send Message: Send PM GB Post
27 / M / school.. (T__T)
Offline
Posted 4/26/08
ang galing mo! haha. maganda na , matalino na , makata pa .....XD

anu pang hahanapin mo? LOLz
Citizen
26729 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / F / Philippines
Offline
Posted 4/26/08

yaj_r wrote:

ang galing mo! haha. maganda na , matalino na , makata pa .....XD

anu pang hahanapin mo? LOLz


sobrang pambobola na ata yan jay-r... pero salamat pa din...!
Citizen
26729 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / F / Philippines
Offline
Posted 4/26/08 , edited 4/26/08
salamat po pala sa lahat ng ngcomment...!
First  Prev  1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  Next  Last
You must be logged in to post.