Post Reply My Only Hope
Creator
9939 cr points
Send Message: Send PM GB Post
22 / F / Doha, Qatar
Offline
Posted 10/5/08


Your Song Presents "MY ONLY HOPE"

Starring...

[.KIM CHIU.]



[.GERALD ANDERSON.]



[.NINA JOSE.]


[.ENCHONG DEE.]


[.CATHY GONZAGA.]


[.REGINE ANGELES.]



[.DAVID CHUA.]


[.XIAN LIM.]


[.CARLO GUEVARRA.]



______________________________

Scarred Beauty made by the past

Walang sinuman ang makakatakas mula sa paniningil ng nakaraan, para kay Jessie ang tanging way lang para makatakas ay ang kamatayan. Pero pilit pa rin siyang pinipigilan ng boyfriend niyang si Keeno. Pero patuloy pa rin ang paghabol sa kanya ng kaniyang konsensya, pero kung kainlang lalaban na siya, huli na ba siya sa pagkakataong ito? Buhay na ba ang ininugal ni Jessie sa laro ng buhay, at kung sakaling wala na siya paano pa mag momove on si Keeno sa buhay niya?

Sundan sila linggo linggo sa Your Song Presents My Only Hope!

Ms. Sunshine Meets the Emo Prince

Paano magkakasundo ang dalawang taong opposite ang pananaw sa buhay, si April ang Bubble Gum Girl na pinalad manalo bilang Princess of Boracay at para matakasan ang saglit na pangungulila sa amang namatay sa araw ng kanyang kaarawan isang taon na ang nakakalipas. At ang Emo Prince na si Keeno na takot sa responsibilidad sa buhay at nakatali sa girlfriend niyang patuloy tumatakas sa isang napakadilim na nakaraan na hanggang ngayon sinusundan sila ng kanilang mga konsensya.

Sundan kung saan hahantong ang pagkikita nina April at Keeno at paano sila susugal sa laro ng buhay linggo linggo sa Your Song Presents My Only Hope.

Regine Angeles, David Chua at Carlo Guevara... NAGBABAGONG MUKHA SA "YOUR SONG PRESENTS: MY ONLY HOPE"

Mapapanood muli ang tandem nina Regine Angeles at David Chua, kasama ang Be Bench winner na si Carlo Guevara, sa bagong aabangang serye na "Your Song Presents: My Only Hope," malapit na sa ABS-CBN.

"Talk of the town" ngayon ang teaser ng bagong show at featured dito ang "game of life" o para sa iba, naniniwala silang ang buhay ay parang tic-tac-toe lang. Paano nga ba makakabuo ng tatlong pare-parehong X o O para manalo sa laro ng buhay?

Sa kwento, gaganap si Regine Angeles bilang si Yang, ang Avon lady by morning pero "ledge dancer" by night. Boyfriend niya dito si August, played by David Chua, na siya ding nakatatandang kapatid ni April (Kim Chiu). Magbabago ang lahat pagpasok sa eksena ni Arnold, na gagampanan ni Carlo Guevara.

Syempre hindi papahuli ang mga young stars sa kanilang "actor reinvention." Mapapanood sina Regine at Carlo bilang mga sexy icons sa serye na ito.

Ano pa kayang mga surprising and maybe even shocking transformations ang ibubunyag ng series na ito? Ano ba ang kani-kanilang mga storya sa buhay?

Huwag palampasin ang iba pang updates ng "Your Song Presents: My Only Hope," malapit na sa ABS-CBN.

Para sa mga updates, mag-log in sa www.abs-cbn.com at myonlyhope.multiply.com


Kaabang-abang na tambalan sa My Only Hope… ALEX GONZAGA, MAY BAGONG MAMAHALIN!

Kwento ng pag-ibig at paghihiganti ang handog ng bagong weekly show na "Your Song Presents: My Only Hope," malapit na sa ABS-CBN starring Kim Chiu at Gerald Anderson kasama sina Alex Gonzaga at new talent Xian Lim.

Marami ang naiintriga kung tungkol saan ba talaga ang bagong teaser na napapanood na ngayon sa telebisyon kung saan nagpapakita ng mala-tic-tac-toe na tema. Sa katunayan, ang konsepto ng seryeng "Your Song Presents: My Only Hope" ay ang "Game of Life" kung saan kailangan mong makabuo ng tatlong X o O para magtagumpay.

Sa kwento, gagampanan ng new talents na si Xian Lim ang karakter na si Rick, ang nakatatandang kapatid ni Keeno (Gerald). Love interest niya dito ang dalagang si Fifi, played by Alex Gonzaga, na very positive ang outlook in life at naniniwala sa lahat ng maganda sa kanyang paligid.

May pag-ibig kayang mabuo sa pagitan ng dalawa sa kabila ng kanilang magkaibang disposiyon sa buhay? Ano naman ang kanilang kwento?

Huwag palampasin ang iba pang updates ng "Your Song Presents: My Only Hope," malapit ng mapanood sa ABS-CBN.

BAGONG KARAKTER NA MAMAHALIN SA "YOUR SONG PRESENTS: MY ONLY HOPE"

Nagbabalik sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Nina Jose at Enchong Dee sa bagong weekly show na "Your Song Presents: My Only Hope," malapit na sa ABS-CBN.

Naging usap-usapan sa lahat ng panig ng bansa, maging abroad, ang kakaiba at nakaka-curious na teaser ng bagong show ng mga youngsters. Featured dito ang "game of life" dahil sa paniniwala ng iba, ang buhay ay parang tic-tac-toe. May mga pagsusubok na kailangan harapin para matuto, mga desisyon na dapat gawin para magtagumpay. Paano nga ba makakabuo ng tatlong pare-parehong X o O para manalo sa laro ng buhay?

Sa istorya, gaganap si Gerald bilang si Keeno, isang mayamang lalaki na may madalim na nakaraan. Si April, na gagampanan ni Kim, ay ang kabaligtaran niya – masayahin at may magandang disposisyon sa buhay. Magsisilbing kahati sa pag-ibig at atensiyon nila ang dalawang promising celebrities na sina Enchong, bilang ang cook na si Jhun at ang "emo" girlfriend ni Keeno na si Jessie, played by Nina.

Nagkaroon ang young stars ng "actor reinvention." Nagpaalam na si Gerald sa kanyang wholesome look at sa halip ay nagkaroon siya ng very edgy na gupit at nagpahaba ng bigote! Si Enchong din, from rich preppy boy ay isang jologs na chef na ngayon! Si Nina na dating "perfect beauty queen" ay mapapanood ngayon na may scar sa mukha!

Ano pa kayang mga transformation ng cast ang dapat na abangan? Ano ang kanilang mga storya?

Huwag palampasin ang iba pang updates ng "Your Song Presents: My Only Hope," malapit na malapit na sa ABS-CBN.

Para sa mga updates, mag-log in sa www.abs-cbn.com at myonlyhope.multiply.com

*****************************************
YOUR SONG PRESENTS: MY ONLY HOPE, HANDANG-HANDA NA!

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng bagong susubaybayang mini-series tuwing Linggo, ang “Your Song Presents: My Only Hope,” sa Oktubre 5 na sa ABS-CBN.

Hango sa pinasikat na kanta ni Mandy Moore, kasama dito sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Alex Gonzaga, Nina Jose, Enchong Dee, Regine Angeles, David Chua, Be Bench model Carlo Guevara at ang bagong talent na si Xian Lim.

Nagkaroon na ng taping ang cast sa Boracay, tapos na ang pictorial at workshop at ngayong darating na Huwebes ay may taping sila sa Manila. Umiikot ang kwento sa storya ng pag-ibig at pagkilala sa totoong katauhan ng isang tao.

Mula sa kanilang “actor reinvention” (naging rugged si Gerald, may scar sa mukha si Nina, jologs si Enchong at nagpa-sexy sina Regine at Carlo), pati ang kanilang roles ay mag-iiba rin. Talagang magiging makatotohanan ang programa, mula sa script, acting at itsura ng bagets na sumasalamin sa buhay ng kabataan ngayon.

Sa ilalim ng direksyon ni Jojo Saguin, abangan ang iba pang updates at ang nalalapit na premiere ng “Your Song Presents: My Only Hope” sa Oktubre 5 sa ABS-CBN.

Kumuha rin ng kopya ng Star Studio magazine para sa exclusive info and photos ng “My Only Hope.”

You must be logged in to post.