First  Prev  1  2  3  4  5  Next  Last
Post Reply │RANDOM│VAN NG KAPALARAN!!!
The President
29893 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / M / sa may dunkin don...
Offline
Posted 10/28/08 , edited 5/22/09
"Sariling Van"
-Roiurei-

Alas kwatro ng umaga...binabagtas ko ang kalye ng maynila...
di ko alam kung saan ang aming pupuntahan...
sakay ako ng aming van...
nakaupo sa may unahan...
pinagmamasdan bawat mukhang aming nadaraanan...

Nang kami ay napatigil sa may crossing...
isang takatak boy ang umagaw sa aking pansin...
aba...ang aga pa ay kayod marino na ang binata...
na elibs ako sa binata..para sa munting barya...
ay nag papakapuyat siya....
para lang may pangkain pag sapit ng umaga...
samantalang ako...nag pupuyat lang para sa wala...
di ko man lang naisip ako itong pinagpala na maka2log at gumising sa tamang oras
ay siya namang aking inaaksaya....
dahil sa nanunuyo kong lalamunan di ko napigilan at napabili narin ako ng kendi...
"kuya max nga yung pula"..inabot ng binata ang kendi... sabay ng pag abot ko ng barya...
halos di na maipinta ang mukha ng binata sa sobrang laki ng eyebags nya...
marahil ay araw araw na niya itong ginagawa.
ayan na si pula siya ay berde na...
ang van namin ay aandar na.
habang kami ay palayo na...ay nakita ko pa na muntik ng masagasaan ang binata...
marahil sa antok ay di na niya nakikita ng mabuti ang nilalakaran niya....

sa sumunod na pag palit ng berde sa pula ay isa nmang bata ang aking nakita...
batang walang saplot at nakahiga sa kalye...
halos di niya iniinda ang lamig ng sahig..
kawawang bata pinagkaitan ng damit at kama.
mahimbing ang 2log ng bata...
...busina ng jeep ay di niya alintana...
tulog niya ay parang mantika...

Sa di kalayuan...sa na22log na bata ay.... nakita ko ang kanyang ina...
hayun at nag kakalkal ng basura...
sa aking tingin ay nag hahanap na siya ng pang umagahan nila
kaawa awa...
pagkain nila ay galing sa basura......
kwarto nila ang kalye ng maynila...
kumot nila ay kartong sira-sira..
yakap-yakap ay lumang manika.

ayan...malapit nang maging berde si pula
ngunit bago iyon....ibinalot ko muna ang kending binili...
sabay hagis sa tabi ng batang na22log ng mataimtim....
ang kendi ay binalot ko ng bente...
para nman sa pag gising ng bata ay maisip niya na ang panaginip ay nagkakatotoo rin.

umusad ang aming van...ngunit nananatili parin sa aking isipan ang larawang aking nasaksihan....
kung tutuusin ay ilan lang sila sa larawan ng ating bayan..
naka display sa museo ng kahirapan
....
imbis na tinutulungan ay lagi lang kinaawaan..kinukutya at madalas ay pinagtatawanan...
sana maisip mo na pag biglang bumaliktad ang kapalaran....
ang dating nasa taas ay biglang bumagsak at mapunta sa knilang kalagayan.... paano mo ito tatakasan...
ayan na si pula magiging berde nanaman siya....
saan kaya ako dadalhin ng aking kapalaran...
habang lulan ng sariling van.

-the end

sanay nagus2han nyo di man maganda ang pagkagawa at may mali man sa pagsulat ang nais lang ay matamaan ka yun lang
XD

FIRST STORY"BATO"
http://www.crunchyroll.com/forumtopic-362667/story-dag-dag-kaalaman.html#17729295

THIRD STORY "the curious case of nunoy and nunay"
http://www.crunchyroll.com/forumtopic-443119/the-curious-case-of-nunoy-and-nunay.html
Citizen
2599 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / M / Cebu city
Offline
Posted 10/28/08 , edited 10/28/08
Awesome story...^^
Posted 10/28/08
nice one roi...

galing mo ha...

makatang makata ang dating...

ang ganda!
Citizen
5473 cr points
Send Message: Send PM GB Post
29 / F / Sleepy Haven Cebu...
Offline
Posted 10/28/08
ganda naman..totoo to..bilib ako sayo roi..

kaya wag ka nah mag-aksaya ng oras sa mga walang kwentang bagay..
Citizen
25303 cr points
Send Message: Send PM GB Post
21 / F
Offline
Posted 10/28/08
galing.galing men ..makatang makata ka kuya ..idol!!
Posted 10/28/08
Ang galing mo po talaga gumawa ng story..baka someday eh, may sarili ka ng aklat about ur stories..
Citizen
20452 cr points
Send Message: Send PM GB Post
M / Philippines
Offline
Posted 10/28/08
naks!
Citizen
34124 cr points
Send Message: Send PM GB Post
23 / M
Offline
Posted 10/28/08
Bravo,galing!
Citizen
6728 cr points
Send Message: Send PM GB Post
22 / F / under my bed.
Offline
Posted 10/28/08
whoa.very niceee kuya rooooiiiii.cx
galing galing tlga aah.
idol na kitaaa kuyaaaa.=))

wanna read the ur next story kuya..if meron..hahahaha.cx
Citizen
19980 cr points
Send Message: Send PM GB Post
25 / F
Offline
Posted 10/28/08
natamaan talaga!

galing kuya!!!
Citizen
6514 cr points
Send Message: Send PM GB Post
25 / F / Philippines
Offline
Posted 10/28/08
ang ganda ng story..
Citizen
1022 cr points
Send Message: Send PM GB Post
23 / F / my chair facing m...
Offline
Posted 10/28/08
astig nito kuya!haha..idol na kita...haha
Citizen
21749 cr points
Send Message: Send PM GB Post
F / Angeles City
Offline
Posted 10/28/08
galing oh? naiiyak nako.. hnd dahl sa natamaan.. dahil sa wala din magawa .. awh! ahahahha..!

sir!! question ulit..! xD

Pano nyo po nalaman na nanay nya ung nagkakalakal ng basura? ihihihihi
The President
29893 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / M / sa may dunkin don...
Offline
Posted 10/28/08

barbiezl wrote:

galing oh? naiiyak nako.. hnd dahl sa natamaan.. dahil sa wala din magawa .. awh! ahahahha..!

sir!! question ulit..! xD

Pano nyo po nalaman na nanay nya ung nagkakalakal ng basura? ihihihihi


MS. DANAN nakita ko po yung suot na short ng bata kapirasong tela ng daster nung babaaeng nag kakalkal ng basura....

at dahil nag tanung ka may homework ka....

3 yellow pad back 2 back.... write an essay kung paano makaka 2long ang malamine sa katawan at bkit ito hinalo ng mga ungas sa gats....


salamt po sa mga nag babasa story XD ty
Citizen
1242 cr points
Send Message: Send PM GB Post
22 / F / phil.
Offline
Posted 10/28/08
ang galing nyo nmn po magsulat... at talagang napadala nyo yung inyong mensaheng nais itawid.... naks!... galing din po yung way ng writing nyo...
First  Prev  1  2  3  4  5  Next  Last
You must be logged in to post.