First  Prev  1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  Next  Last
│GAME│Message Ko Sayo! (My Message To You!)
Citizen
375 cr points
Send Message: Send PM GB Post
25 / F / Philippines
Offline
Posted 4/11/08 , edited 4/13/08
---heto mensahe naming dalawa ng isang barkada ko. para sa lahat ng may kasitahan dyan.--

REPOSTED LANG PO ITO.

Ang Mga Babae Talaga, Oo
>
>*grabe. usapang lalake*
>*sindi ng yosi*
>*hithit*
>*buga*

>Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto.
Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan
talaga may mga bagay na hindi ko
maintindihan. Ewan ko ba.
>
>*hinga ng malalim*

>Bakit ba ganun pare, ilang beses ko
na pinag-aralan pero lagi na lang
lumalabas na parang kahit sang anggulo
mo tingnan, hindi nagiging patas para
sa mga lalake ang ilang bagay
pagdating sa pagmamahal.
>*tingin sa stars*

>Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga
babae ang hirap ng lalake na gumawa ng
first move para magtapat ng
pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan
sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?
Ang feeling ng masaktan pag nabasted?
Malamang-lamang siguro, hindi ano.
Wala naman yata silang alam sa mga
paghihirap naten e. Ang alam lang ata
nila e mamili, manakit, at magsaya.
Tingin mo?
>*tingin sa malayo*

>Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake
na ang naghihirap. Hassle saten ang
panliligaw pero bago pa yun, kung ano
pang diskarte ang gagawin naten para
masabi naten sa kanila na mahal natin
sila. Alam kaya nila yun? Mahirap
magsabi na mahal mo na yung babae,
diba? Tapos liligawan pa naten.
Patutunayan na mahal nga sila.
Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa
bahay, tutulungan, sasabayan,
palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na.
Kulang na lang e pagsilbihan mo nang
walang sahod. At ano ang kapalit?
Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa
trip lang nila. Wala silang pake
kesehodang mahal natin talaga sila.
Basta ang alam nila, pag di nila tayo
trip, isang malaking HINDE ang
makukuha naten, kahit umiyak pa tayo
ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-
buo. Para lang silang namimili ng
damit na di man lang sinusukat bago
ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na
mahal na mahal natin, sorry tayo.
Hindi nila alam kung mahal mo sila.
Kailangan mong maabot ang kanilang mga
standards o uuwi ka lang na bad trip,
iiling-iling, at minsan, luhaan.

>Wala tayong magagawa, marami silang
alibi. Hindi pa ko ready eh.., Sorry
pero I think we should just be
friends.., Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka
ba? Hahahaha.. Better luck next time
na lang muna, okay lang?, Give me a
decade. Pag-iisipan ko muna.., Para
lang kitang kapatid e.., yaddah
yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng
langit at lupa yon para saten.
>*kuha ng bote ng beer*
>*lagok*
>*lunok*

>At hindi lang yon tol. Sa pre-
relationship stage pa lang yon. Pag
sinagot na nila tayo, satin pa rin ang
hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya
tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang
aayos kung may gulo; tayo ang dapat
magpapakabait; tayo ang magtatyaga;
tayo ang magiging devoted at faithful;
tayo, tayo tayo.
>Sila? Ummm Teka, isipin ko.

>Ayun. Sila ang magsasabi kung anong
oras kayo dapat magmeet; sila ang
magtetext ng mga mushy at kabalbalang
texts; sila ang magdedemand sayo ng
kung anu-ano; sila ang magbabawal;
sila ang magsasabi kung kelan ka dapat
mag-shave, kung kelan ka pwedeng
tumawag sa bahay nila, kung kelan sila
di dapat bad tripin dahil meron sila,
at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun
ata talaga.

>*kuha ng bote ng beer*
>*lagok*
>*lunok*

>Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat
tayo ang bahala kung ano ang magiging
takbo ng relasyon. Pag maganda, edi
okay. Pag may problema, kasalanan
naten. Haay buhay. Minsan talaga kung
tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang
mahal naten kaya di na natin
iniintindi yun.

>*hinga ng malalim*

>Pero alam mo tol, feeling ko mas
sincere pa tayo magmahal sa kanila.
Alam mo yun, iba tayo magmahal e.
Hindi lang parang laru-laro lang.
Seryoso. At kung magmahal man tayo,
lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung
parang pambata lang gaya nila na kesyo
magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-
inarte, dadradrama, at kung anu-ano
pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan.
Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

>*hinga ng malalim*
>*tingin sa malayo ulit*
>At ito pa ang pinakamasaklap.
>*singhot*

>Ang ending ng relasyon. Sa mga
panahong to, either sawa na sila,
hindi na tayo trip, may nahanap na
silang better saten, o kaya they need
f*cking space and time muna. Bad trip
no? Wala na naman tayong choice. Sila
ang masusunod.

>At ano pa ang kasamang hassle don?
Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo
ang lalabas na may kasalanan. Na
playboy. Na nagpapaiyak.

>*iiling*

>Tayo siyempre ang mga antagonist at
sila yung mga bidang inaapi at parang
mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-
ooffer sila ng friendship kuno matapos
tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten
nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig,
player na ang image naten, at higit sa
lahat, mag-iisip kung papaano
ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan
tayong tulala, mag-iisip kung saan
nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust
sa pagiging single, at di na naman
makakatulog.

>Haay buhay. Ang hirap maging lalake.
Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano?
Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

>Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi.
Bubuntong-buntong hininga. Titingin-
tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-
lagok ng alak.

>Ang mga babae talaga, oo.


>**************************************
***************************************
*********************


>Ang Mga Lalake Talaga, OO

>Kaming mga babae na naman ang nakita.
Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa.
Lalake, hindi maintindihan. Hmmp,
parang masyado yatang nagisa ang mga
kabaro ko.
>
>Tungkol sa pagiging patas sa ngalan
ng pag-ibig, kami naman ang laging
talo a, hindi kayo. Kami ang laging
lugi, kami ang laging nawawalan at
iniiwan.

>Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-
ayos ng konti pagkakamalan ka nang
malandi. Hindi pangseryosohang
relasyon. Marinig lang nila na malakas
kang magsalita, palengkera ka na. T.O.
kagad sa kanila iyon. Mahilig silang
tumingin sa mga babaeng sexy manamit,
kulang nalang makita na kaluluwa. Pero
kapag babaeng seryosohin at gustong
ligawan dapat disente, dapat mala-
anghel ang mukha, dapat mukhang
inosente. Tapos kami pa raw ang
mahilig mamili? Parang baliktad yata?

>Ok, ayan nanliligaw na si lalake.
Dapat pakipot ka para suyuin ka, para
habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka
naman nagpakipot "easy to get" naman
ang tingin sa iyo. Hindi ka na
seseryosohin. Sino bang may sabing
magpaalila kayo, di naman namin hawak
ang buhay niyo. Natural lang na
magtiis kayo, may gusto kayo sa amin
eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na
lahat ng mga paghihirap niyo,
babaliktad na ang sitwasyon kami naman
ang mamromroblema. Para lang kayong
may gustong bilhin na bagay. Upang
mabili ito kailangan munang
magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag
nabili na at napagsawaan wala na,
balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi.
Tawagan nalang kita pag trip ko o
kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa
iyo.

>Ano pa ba? E di sinagot mo na diba.
Utang naloob pa natin yun. Dahil
naghirap daw sila sa panliligaw dapat
masuklian natin iyon ng higit pa. Sa
umpisa kailangan malambing ka, maayos
at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw
daw nilang humawak ng relasyon, pero
kapag ikaw naman ang nagmando, aba,
masasakal naman. Sasabihin pa sa
iyo "demanding" ka. Meron ka pang
maririnig na "I think we need space"
at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin
may sabing di dapat kami magpakabait,
maging devoted at faithful? Kapag kami
ang sumaway niyang mga iyan, iba na
ang tingin sa amin. Malandi na kami,
haliparot, pakawala, makikay at kung
anu-ano pang mga bansag ang itatawag
sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok
lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag
ginawa niyo iyon. Kaya kami. Walang
magawa. Magpapakaburo at
magpapakamadre nalang. Kapag nagloko
na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh
di iiyak nalang. Wala namang ibang
magagawa eh.

>Tungkol naman sa tinatawag niyong
pagdedemand namin. Hindi kami
nagdedemand! Karapatan lang namin
iyon. Karapatan namin na lambingin
niyo kami, icheck at ipakita sa amin
na mahal niyo kami.

>Hindi rin ibig sabihin na mas sincere
kayo sa amin. Seryoso rin naman kami
ah. At ang maturity wala yan sa edad.
Mas maaga nga kaming magmature sa
inyo. Ang isang 19 year old na lalake
eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa
lahat ng age group. Mas mataas pa nga
kung minsan ang pagbawas ng level of
maturity. Kayo na ang mag-math. Pati
yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo.
Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka
nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano
tingin niyo sa amin mga artista?!

>Alam niyo iyon? Yun bang kulang
nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero
hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan
ka pang tigilan na ang pagdradrama.
Hindi nila kami maintindihan kapag
nagseselos kami. Bakit naman kami
magseselos kung wala kaming nakikita?
Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.

>Kapag natapos na ang lambingan, eh di
siyempre iwanan blues na. Kami pa raw
ang nagsawa, kami pa raw ang
nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas
kapag may nakita nang bago, sino ba
ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki?
Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi
ang babae pag sinabing "break na tayo"
lambingin lang iyan ng konti balikan
blues na iyan. Kapag ang lalake ang
umayaw, bahala ka diyan. Kahit
mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-
epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk,
tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang
kawawa.

>Post-break up, mahal pa ng babae si
lalaki. Sasamantalahin ni lalaki.
Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala
ka lang kapag may kailangan sa iyo.
Kapag pumangit ka after the break up,
magpapasalamat sila na iniwan ka
nila.. Kapag gumanda ka naman,
ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan
na naging girlfriend ka niya. Sala sa
init sala sa lamig talaga.

>Ano ba namang buhay to? Ang hirap
ding maging babae noh. Kala nila
laging sila nalang. Lagi rin kaming
naiiwan sa ere. In-love din kami.

>Ang mga lalake talaga, oo


--inuulit ko. wala lang, reposted lang to.
Citizen
3230 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / F / who cares?!
Offline
Posted 4/12/08 , edited 4/13/08
daddy: waaa where are you?? miss na kita T^T

pot: i hope you're happy in your afterlife

God: let pot be happy in her afterlife...kahit hindi kami close

ateKim: sayang hindi tayo nagkita...libre ko rin sana ikaw hehe
Citizen
15698 cr points
Send Message: Send PM GB Post
31 / M / add me on fb gree...
Offline
Posted 4/12/08 , edited 4/13/08
to everybody and everyone : peace out... fly high
Citizen
3845 cr points
Send Message: Send PM GB Post
31 / M
Offline
Posted 4/17/08
good luck everyone...sana matupad na ang lahat nang gusto nyong mangyari...
Citizen
34378 cr points
Send Message: Send PM GB Post
F / Taipa, Macau
Offline
Posted 4/17/08
ang mahal ng bigas!
Posted 4/17/08
ang dami na natin.....OVER POPPULATION na tau.....

magbawas tayo uki?...lol
Citizen
34378 cr points
Send Message: Send PM GB Post
F / Taipa, Macau
Offline
Posted 4/17/08
baka ka mapulmonya!
Citizen
3743 cr points
Send Message: Send PM GB Post
24 / F / NeverLand
Offline
Posted 4/22/08
kawaii mong sumayaw...
Posted 4/27/08
To God: Thank u for giving me this wonderful life.

To bestfriend: Pare, salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. Kahit ung iba kong mga batchmates at classmates d ako naiintindihan, lagi mo ko tinutulungan. Mndunaraming salamat sa support mo. Sana wag ka lumipat. ^^

To friends: Maraming salamat sa lahat. Sana magkita pa tayo.

To my CR buddies: THanks for being kind to me. :)

To my 2 Best Buds in CR: Maraming salamat sa pagiging kaibigan sa akin. Lagi nyo akong natutulungan sa problema ko by giving advices. Kahit magkalayo tau, magkakalapit rin tau dahil sa pagkakaibigan. Ingat kau lagi. Take Care. Love yah Both.
Citizen
15461 cr points
Send Message: Send PM GB Post
22
Offline
Posted 4/27/08
To God: thanks for everything!!
To You: Hi There!!
To my CR buddies: Thanks for the friendship.. ^^
To my friends: miss ko na kayo!!!
Citizen
15387 cr points
Send Message: Send PM GB Post
M / why bother?
Offline
Posted 4/29/08
to god: salamat
to my friends: sa bwat malas may kasunod n swerte... kung wala mag suicide n.. at miss q n kau
to CR buddies: muzta!
Citizen
15387 cr points
Send Message: Send PM GB Post
M / why bother?
Offline
Posted 4/30/08
sa lhat: stay the way u r!
Citizen
687 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / M / sa puso mo..
Offline
Posted 5/8/08
sa prinsesa ko: wag ka na magalet....
Posted 5/20/08
to my love....i love you
First  Prev  1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  Next  Last
You must be logged in to post.