[TULA] Handog Kay Ina
Citizen
26729 cr points
Send Message: Send PM GB Post
26 / F / Philippines
Offline
Posted 5/9/09

Isang munting handog sa inyong mga ina..! Isang munting pasasalamat sa walang hanggang pagsasakripisyo nila para sa atin



Ma, Dakila Ka!
Orihinal na Likha ni: Claude Ulita

Hindi man sapat ang mga salita
Upang sa'yo'y aking maipadama
Ang aking walang hanggang paggunita
Sa iyong pagiging dakilang INA.


Siyam na buwan ang tiniis
Upang ako'y iyong buhayin
Sa mundong kay pait
Para sa mga taong dumaranas ng sakit.


Buwan at tao'y lumipas,
Ngunit nariyan ka pa ri't malakas
Nananatiling aking sandigan
Sa anumang unos na pagdaraanan.


Binigyan man kita ng sakit ng ulo,
pag-ibig mo sa aki'y sadyang totoo,
Kung kaya't ako'y pinatawad mo
At tinanggap mo pa rin ng buong puso.


Ngayo'y iyong natatanging araw,
Nawa'y manatili ka pa ring isang tanglaw
Na siyang sa aki'y gumagabay,
Hanggang sa pag-abot ko sa'king tagumpay.


Ma, maraming salamat
Sa walang hanggang pagkalinga,
Pagmamahal at pag-aaruga,
Kung kaya't para sa akin, DAKILA KA!

You must be logged in to post.